ASEAN, mahalaga sa world economy?

Manila, Philippines – Naniniwala ang mga eksperto na mas may halaga para sa Pandaigdigang Ekonomiya ang Association of Southeast Asian Nations o ASEAN kaysa European Union o EU at kahit sa usapin ng seguridad sa mismong United Nations.
Sa ginanap na Presscon sa Manila sinabi ni dating Foreign Affairs Undersecretary Rosario Manalo na ang samahan ng mga bansa sa Southeast Asia ay nagsisilbing catalyst para sa kapayapaan sa Rehiyon at behikulo din ng pagpapalawig ng kalakalan kahit sa iba pang panig ng mundo.

Si Manalo ay Special Representative ng Pilipinas sa ASEAN Intergovernmental Commission on Human Rights at nagsilbing tagapangasiwa ng international Economic Relations para sa DFA mula 1997 hanggang 2001. Saksi din siya sa pagbuo ng grupong ASEAN noong 1967.

Paliwanag ni Manalo, mas may kabuluhan ang samahan ng ASEAN dahil nilikha ito bilang kooperasyon sa pagitan ng mga miyembrong bansa para sa pagpapalawig ng mga kasunduang ekonomikal at gayun din sa pakikipagtulungang mapagtibay ang seguridad at kapayapaan.


Facebook Comments