ASEAN Members, nangakong palalakasin ang Immunization sa Rehiyon

Nangako ang mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na palalakasin ang Immunization sa Rehiyon.

Kinikilala umano ng ASEAN ang “overwhelming evidence” na nagpapakita ng benepisyong nakukuha sa pagbabakuna na isa rin sa mga pinakamatagumpay at cost effective health interventions.

Kasabay nito, umapela rin ang ASEAN sa mga Intergovernmental Agencies, Regional Organizations, mga eksperto at stakeholders na suportahan ang ASEAN Vaccine Security at Self Reliance.


Matatandaang bumulusok sa 40% ang Immunization Coverage ng Pilipinas mula sa 70% sa mga nakalipas na taon dahil sa kontrobersyal na Devaxia Vaccine.

Facebook Comments