Sa kauna-unahang pagkakataon ay makakasama ng tropa ng Philippine Navy ang Chinese Navy para sa isang Exercise o ASEAN Navy Excercise na gagawin mismo sa bansang China.
Ito ang kinumpirma ni Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Robert Empredad.
Aniya, gagawin ang pagsasanay sa huling linggo ngayong buwan, kung saan magpapadala sila ng isang barko at mga tauhan para makiisa sa pagsasanay.
Tutuon aniya ang pagsasanay sa manuevers, interoperability exercise at Humanitarian Assistance and Disaster Response.
Ang bansang china ang agresibong bansa na kaagaw ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Facebook Comments