ASEAN Plus Three countries, inalerto ni PBBM na mag-imbak ng reserbang pagkain dahil sa posibleng krisis sa food security

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ASEAN Plus Three (APT) na palakasin ang kanilang reserbang pagkain tulad ng bigas para mas maging handa sa mga nakaambang krisis sa food security.

Ang ASEAN Plus Three ay kinabibilangan ng China, Japan, at South Korea.

Sa 27th ASEAN Plus Three Summit, binanggit ni PBBM ang 2024 World Risk Index kung saan kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na panganib na makaranas nang masamang epekto ng pagbabago ng klima.


Posible aniyang maapektuhan nito ang sektor ng agrikultura sa bansa at ang kakayahan ng bansa na magkaroon ng sapat na pagkain.

Matagal nang isinusulong ng pangulo ang suporta para sa ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve (APTERR) Agreement mula noong APT Summit.

Welcome naman sa Pilipinas ang pahayag ng mga lider ng APT tungkol sa pagpapalakas ng koneksyon ng mga regional supply chain, na makatutulong sa pagpapababa ng gastos sa transportasyon, mas mabilis na pagtugon sa pagbabago ng pangangailangan, pagpapalakas ng katatagan sa pandaigdigang kaguluhan, pagpapabilis ng kalakalan, pagpapahusay ng kolaborasyon at inobasyon, at paghikayat ng regulatory alignment.

Facebook Comments