ASEAN, pumabor na magsagawa ng summit kasama si Trump

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tinanggap ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang imbitasyon ni US President Donald Trump na dumalo para sa isang summit sa Las Vegas sa Marso.

Ayon kay DFA Secretary Teodoro Locsin – ang ASEAN Foreign Ministers’ Retreat ay in-adopt ang consensus na magsagawa ng ASEAN-US Summit.

Bago ito, inanunsyo ng Malacañang na inimbitahan din ni Trump si Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa gaganapin Las Vegas Summit.


Sa ngayon, hindi pa tiyak kung dadalo si Pangulong Duterte sa nasabing pagtitipon.

Facebook Comments