Pagiigtingin pa ng Department of Education ang panghihikayat sa mga kabataan na lumahok at maging aktibo sa mga palaro at kompetisyong pampalakasan.
Ito ang sinabi ni DepEd Undersecretary for Legislative Affairs, External Partnerships, and School Sports Tonisito Umali, makaraang humakot ng medalya ang Pilipinas sa katatapos lamang na ASEAN School Games na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Sa nasabing patimpalak, nakapaguwi ang Pilipinas ng 9 na gintong medalya, 7 silver, and 20 bronze, kung saan nakatungtong sa pang anim na pwesto ang Pilipinas matapos humarap sa 10 iba’t ibang mga bansa.
Ayon kay Umali, hindi dito natatapos ang pagkapanalo ng Pilipinas. Sa katunayan, ang tagumpay na ito ng mga Pilipinong student – athlete ay simula pa lamang.
Sa susunod na taon ang ASEAN School Games ay gaganapin naman sa Semarang, Indonesia.