ASEAN SCHOOLS GAMES | Team Pilipinas, may 8 gintong medalya na

Manila, Philippines – Umakyat na sa walong medalyang ginto ang nakuha ng Pilipinas sa 10th ASEAN Schools Games sa Mini-Stadium sa Bukit Jalil, Kuala Lumpur, Malaysia.

Ito ay matapos makuha ni Eliza Cuyom ang titulo sa kaniyang oras na 14.45 seconds sa girl’s 100 meter hurdles.

Naibulsa naman ni Jann Mari Nayre ang table tennis gold matapos talunin si Josh Chua ng Indonesia, 3-1 sa kanilang laban sa SJK Kong Koe Hall.


Hindi rin nagpahuli ang girl’s basketball team nang tambakan nila ang Singapore, 80-42 para maidepensa ang kanilang titulo.

Bukod sa walong ginto, may siyam na pilak at 14 tansong medalya na ang Pilipinas sa torneo.

Facebook Comments