ASEAN Senior Officials Meeting, gaganapin ngayong araw – buong bahagi ng CCP Complex, isinailalim na sa lockdown

Manila,Philippines – Gaganapin na mamaya ang ASEAN Senior Officials Meeting sa PhilippineInternational Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Layon ng pagpupulong na makapagtakda ngagenda sa gagawing leader’s summit sa Sabado (April 29).

Kasama sa inaasahang tatalakayin ay ang isyung terorismo at Code of Conduct para sa isyu ng West Philippine Sea.


Sa gabi naman, magkakaroon ng welcome dinnerpara sa mga ASEAN Foreign Ministers.

Kasabay nito, nakahanda na rin ang InternationalBroadcast Center sa Conrad Hotel para sa mahigit isang libong local at foreignjournalist na magko-cover ng ASEAN Summit.

Kumpleto ito sa mga State of the art Facilitiesat mga broadcast booths para sa mga radyo at telebisyon.

Facebook Comments