ASEAN SUMMIT │500 pulis, ikakalat!

Manila, Philippines – Nasa 500 pulis ang ipapakalat para sa seguridad ng Association of Southeast Asian Nations Summit sa Nobyembre.

Ayon kay Senior Insp. Jem Delantes, tagapagsalita ng PNP- Highway Patrol Group (PNP-HPG), maghahanda sila ng 28 convoy packages para sa kaligtasan ng mga state leaders na dadalo sa ASEAN Summit.

Bawat convoy package ay mayroong limang motorsiklo, dalawang patrol cars para sa mga state leaders.


Habang dalawang motorsiklo at isang patrol car naman para sa mga asawa, minister o delegado ng bawat pinuno.

Magdaragdag rin ang PNP-HPG ng labinglimang convoy packages bilang reserba para sa mga delegado o ministers na magkakaroon ng biglaang meeting o lakad.

Nakiusap naman si Delantes sa publiko na makiisa sa ipapatupad na security measures partikular na sa mga rutang dadaanan ng mga delegado.

Facebook Comments