Naging matagumpay ang bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa nagdaang 33rd ASEAN Summit sa Singapore.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – ang pag-uusap sa dalawang lider ay lalong nagpatibay ng ugnayan ng Pilipinas at Japan.
Pinapurihan ni Abe ang mga polisiya at programa ng Duterte administration.
Bukod dito, kinilala rin ng punong ministro ang pagpasa ng Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ipina-abot din ng Japan ang matapat na hangaring tumulong sa prosesong pangkapayapaan sa Mindanao.
Nagpasalamat naman si Pangulong Duterte sa kontribusyon ng Japan sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon partikular na ang rehabilitasyon ng Marawi City.
Dahil dito, kumpiyansa ang Malacañang na ang tinatawag na golden age ng Philippine-Japan relations ay patuloy na aani ng biyaya para sa bansa.