Isinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Code of Conduct (COC) para sa mga bansang nag-aagawan sa West Philippine Sea sa Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Summit sa Singapore.
Ayon sa Pangulo, mahalaga ang COC na naglalaman ng mga guidelines at protocols sa pinag-aagawang teritoryo para maiwasan ang kaguluhan.
Aminado naman ang Pangulo na hindi lang ang China at ASEAN countries ang umaangkin sa West Philippine Sea.
Kabilang na rito ang Amerika na may mutual defense treaty sa Pilipinas kung saan may commitment ang Estado Unidos na tumulong sa Pilipinas kung ito ay under attack.
Kaya sabi ni Duterte, tatanungin niya ang China kung ano ang kumpas na gusto nito sa COC.
Facebook Comments