ASEAN SUMMIT | Mahigit 33 libong pulis, pinarangalan sa Camp Crame

Manila, Philippines – Pinarangalan ang 33,598 pulis para sa kanilang naging papel sa pagtiyak ng maayos na pagdaraos ng nakalipas na ASEAN summit.

Ang simpleng awarding ceremony na pinangunahan ni PNP OIC Deputy Director General Ramon Apolinario, ay isinagawa sa Camp Crame pagkatapos ng flag-raising ceremony ngayong umaga.

Ang mga awardees ay pinangunahan ni PDir. Napoleon Taas na nagsilbing ASEAN 2017 Security Task Force Commander.


Si Taas ay ginawaran ang Medalya ng Katapangan sa paglilingkod, kasama ng 13 PNP Generals na sina: Pdir. Camilo Cascolan, Pdir. Ramon Purugganan, Pdir. Jose Ma Victor Ramos, Pcsupt. Noel Baraceros, Pcsupt. Nestor Bergonia, Pcsupt Joel Crisostomo Garcia, Pcsupt. Amador Corpuz, Pcsupt. William Macavinta, Pcsupt Ma. O. R. Aplasca, Pcsupt. Alfred Corpus, Pcsupt. Marcelo Morales, Pcsupt. Elmer Bantog at Pcsupt. Israel Ephraim Dickson.

17 Opisyal ng PNP na namuno sa iba’t ibang police units na dineploy sa ASEAN summit ang tumanggap ng Medalya ng Pambihirang Pagkilingkod habang 432 pulis ang tumanggap ng Medalya ng Kasanayan.

Pinagkalooban naman ng Medalya ng Papuri ang 33,149 pulis na bumuo ng pwersa ng security personnel na idineploy sa iba’t-ibang ASEAN summit venues, na dahil sa kanilang maayos na pagbabantay ay nairos ng incident-free ang ASEAN 2017.

Facebook Comments