ASEAN SUMMIT | Malacañang, iginiit na kailangan ding magpahinga ni PRRD

Manila, Philippines – Nanindigan ng Malacañang na kailangan ding magpahinga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kasabay ng hindi pagdalo ng Pangulo sa anim mula sa 11 mahahalagang pulong sa 33rd ASEAN Summit.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – bagaman at hindi nakadalo ang Pangulo, inatasan naman niya si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na maging kinatawan niya sa mga pulong.


Matatandaang hindi nakadalo ang Pangulo sa ASEAN Summit na pinangunahan ng Australia at South Korea.

Absent din ang Pangulo sa ikalawang Regional Comprehensive Economic Partnership Summit, maging ang working lunch na pinangunahan ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong.

Hindi rin nakasipot ang Pangulo sa cocktail reception at gala dinner.

Nagawa namang makadalo ng Pangulo sa ASEAN Summit ng China, Japan, Russia at ang paglagda sa memorandum of understanding sa pagitan ng Eurasian Economic Commission at ng ASEAN on Economic Cooperation.

Nagkaroon din ng bilateral meeting ang Pangulo kay Lee.

Pagtitiyak ng Palasyo na ang pagiging absent ng Pangulo sa ilang ASEAN events ay walang kinalaman sa kanyang kalusugan.

Facebook Comments