ASEAN SUMMIT | Mga miyembro ng gabinete, pinulong ni PRRD

Pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang miyembro ng kanyang gabinete para sa 33rd ASEAN Summit and Related Meetings.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar – tinalakay sa pulong ang ilang isyu na maaring mapag-usapan sa multi-lateral meeting.

Bukod kay Andanar, present din sa meeting si Presidential Spokesperson Salvador Panelo, National Security Adviser Hermogenes Esperon, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Trade Secretary Ramon Lopez at Finance Secretary Carlos Domiguez III.


Inaasahang magkakaroon din ng Pangulo ng bilateral meeting sa hindi pa mabilang na world leaders kabilang si Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Posibleng makapulong din ng Pangulo si Russian President Vladimir Putin at U.S. Vice President Mike Pence.

Facebook Comments