ASEAN SUMMIT | P-Duterte, nasa Singapore na

Dumating na sa Singapore si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa 33rd ASEAN Summit and Related Meetings.

Lumapag ang private jet ng Pangulo sa Changi Airport alas-8:23 ng gabi mula Davao City.

Sinalubong ang Pangulo ni Philippine Ambassador to Singapore Joseph Del Mar Yap at Singapore Minister of State Sam Tan.


Kasama ng Pangulo si National Security Adviser Hermogenes Esperon, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Presidential Communications Secretary Martin Andanar, Philippine Permanent Representative to ASEAN Elizabeth Buensuceso.

Base sa schedule ng Pangulo, dumalo ito kagabi sa limang ASEAN event, kabilang ang working dinner at summit plenary.

Inaasahang aalis ang Pangulo sa Singapore sa Huwebes ng gabi, November 15 para lumipad patungong Papua New Guinea para sa Asia-Pacific Economic Forum.

Facebook Comments