Manila, Philippines – Hiniling ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Malacañang na ideklarang holiday ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na gaganapin sa bansa sa November 10 hanggang 14.
Ito ay dahil sa inaasahang pagbigat ng trapiko sa pagdating ng mga delegasyon at lider ng ASEAN kung saan magpapatupad ng Stop-And-Go Traffic Scheme.
Matatandaang marami ang na-stranded sa traffic noong Asia-Pacific Economic Cooperation Summit noong 2015 para bigyan ng maayos na transportasyon ang mga world leader.
Ang Metro Manila Council ay nagsuspinde na ng pasok sa eskuwela sa lahat ng antas sa Nobyembre 16 at 17 para naman sa ASEAN-related meetings.
Facebook Comments