ASEAN Summit sa Pilipinas isang oportunidad para mapaganda ang buhay sa bawat ASEAN Nation ayon kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – inihayag ni Pangulong RodrigoDuterte na ito ang oportunidad para sa lahat ng ASEAN member countries napagandahin ang buhay ng bawat isa sa rehiyon.
Sa opening Statement ni Pangulong Duterte sa ASEAN Leaders Summit ay sinabi nito na kailangang suportahan ng bawag pamahalaan ang lahat ng sektor sa kanilang mga bansa habang binubuo ang isang ASEAN community na Rules-based at people to people centered and oriented.
Paliwanag ng pangulo, ang mga tao ng ASEAN countries ayang mga pinakamasisipag na tao na handang mag sakripisyo upang maibigay ang lahat sa kanilang mga pamilya kaya nararapat lang aniya na ibigay ng kanilang gobyerni ang lahat ng suporta sa mga ito.
Inilatag ng pangulo ang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan, ito aniya ang pagkakaroon ng matatag na kabuhayan.

Facebook Comments