Asec. Encabo, aminadong may pagkukulang sa implementasyon ng Hatid Tulong Program

Nasa 5,000 Locally Stranded Individuals (LSIs) na ang napauwi sa mga probinsya sa ilalim ng Hatid Tulong Program ng pamahalaan.

Ayon kay Hatid Tulong Program Head Residential Management Staff Asec. Joseph Encabo, pauwi na rin ngayong araw ang ilan pang mga LSI papuntang Caraga at Zamboanga.

Aniya, ngayong araw ay opisyal nilang isasara ang second grand send-off sa mga LSI kung saan magsasagawa sila ng reassessment at pagpaplano para sa pagpapauwi sa mga natitira pang LSI sa susunod na linggo.


Aminado naman si Encabo na may pagkukulang ang kanilang organisasyon sa pagpapatupad ng programa.

Katwiran niya, nagulantang kasi sila sa dami ng mga dumagsang LSI.

Samantala, ipinauubaya na ni Encabo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon kung sisibakin siya nito sa puwesto.

Kasunod ito ng panawagan ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na magbitiw na siya dahil sa hindi maayos na pagpapatupad ng programa.

Facebook Comments