ASF cases sa bansa, mahigit 60 na lamang

Bumaba na ang mga kaso ng mga baboy na apektado ng African Swine Fever (ASF).

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Committee on Agriculture and Food at Trade and Industry, iprinisinta ni Bureau of Animal Industry (BAI) Director Dr. Reildrin Morales ang dramatic na pagbaba ng mga kaso ng ASF sa bansa.

Sa presentasyon ng opisyal, mula sa 360 cases noong Disyembre 2020, bumaba ito sa 358 cases nitong Enero, 294 cases nitong Pebrero at 62 cases na lamang ngayong Marso 2021.


Aminado naman si Morales na ngayong Marso 2021 ay mayroong paglawak sa mga lugar na apektado ng ASF na umabot sa Luzon at ilang lalawigan sa Mindanao kumpara noong Marso ng 2020 kung saan ang ASF infected zones lamang ay makikita central Luzon, Southern Luzon sa Calabarzon at sa Davao Region sa Mindanao.

Tiniyak naman ni Morales na nagsasagawa ng massive surveillance ang kanilang ahensya para sa pagsiguro na hindi kakalat ang ASF sa maraming lugar sa bansa.

Sinabi naman ni Agriculture Secretary William Dar na ang pagtugon sa ASF ay hindi lamang sa Pilipinas kundi global na para masiguro ang maayos na kalakalan at pagtiyak na abot-kaya ang pagkain na makukuha ng mga Pilipino.

Facebook Comments