ASF, nakapasok na sa isang lugar sa Carmona, Cavite

Nakapasok na sa Barangay Lantic sa Carmona, Cavite ang African Swine Fever (ASF).

Ayon sa lokal na gobyerno ng Barangay Lantic, mismong ang Department of Agriculture (DA) ang nagkumpirma ng kaso ng ASF sa lugar.

Agad namang inatasan ni Mayor Roy Loyola ang mga magbababoy na makipagtulungan sa lokal na gobyero at agad na i-report kung may hinihinalang baboy na may ASF.


Habang hinikayat din ng alkalde ang mga nasasakupan nito na bumili lang ng karne ng baboy sa mga mapagkakatiwalaang nagtitinda, at siguraduhing pumasa ito sa National Meat Inspection Service (NMIS) .

Sa ngayon, nakikipagtulungan na ang Local Government Unit (LGU) sa Provincial Veterinary Office (PVO) para palakasin ang mga hakbang kontra ASF.

Facebook Comments