ASF, nananatiling problema sa bansa ayon sa DOST – PCA

Nananatiling problema ng bansa ang African Swine Fever (ASF) kahit halos isang taon nang ipinatutupad ang iba’t ibang interbensyon ng Department of Agriculture.

Ito ang ipinahayag ng Department of Science and Technology (DOST).

Nakatakdang subukan ang na-develop na ASF diagnostic kit upang alisin ang banta ng naturang sakit sa mga babuyan.


Ang ASF diagnostic kit ay gagamitin sa isang wide-scale verification trial.

Ito ay pangungunahan ng DOST – Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development, Central Luzon State University (CLSU) at ng Bureau of Agricultural Industry (BAI).

Layon ng wide-scale verification trial na masubukan kung epektibo ang ASF quick diagnostic kit.

Ito ay nano gold loop mediated thermal amplification o isang quick test kit na dinevelop ng Central Luzon State University at BAI para ma-detect ang strain ng ASF.

Facebook Comments