Iligan City – Kontrolado na ang African Swine Fever o ASF sa Iligan City.
Ito ang pahayag ni City Veterinarian Doctor Dahlia Valera matapos hindi na kumalat pa sa ibang barangay ang naturang sakit ng baboy.
Ayon kay Valera, tatlong barangay lang ang napasukan ng ASF at ito ay ang Pugaan, Digkilaan at Mainit.
Malaki ang pasasalamat ni Valera sa tulong na ibinigay ng ADM sa pamamagitan ng Bantay ASF sa barangay.
Ang ADM umano ang nagbigay ng libreng training at test kits para mapadali ang pag-examine sa mga baboy at malaman kung sila ay positive o negative sa ASF.
Sinabi naman ni Doctor Aileen Guerrero ng ADM na naging pilot city nila ang Iligan na nabigyang tulong para masumpo ang ASF.
Layunin umano nang ADM na ma protektahan ang mga Hog Raisers laban sa ASF at patuloy na makapaghanapbuhay sa pamamagitan ng pag-aalaga ng mga baboy.
Dagdag ni Doc Guerrero na kailangang ma monitor sa bawat barangay ang sitwasyon o problema ng ASF para agad itong masumpo at hindi na magiging outbreak.
Ang ADM isang pribadong kumpanya na tumutulong para labanan ang ASF sa Bansa.(Ghiner L. Cabanday, RMN Iligan)