Malapit nang masubukan sa Pilipinas ang bakuna para sa African Swine Fever (ASF) virus.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar, nagkaroon na sila ng pag-uusap sa United State Department of Agriculture (USDA) para sa local testing ng ASF vaccine na kasalukuyang dine-develop.
Kasalukuyang tine-test ang ASF vaccine sa Vietnam, at iba pang bansa sa Southeast Asia.
Nagdudulot ang ASF ng 100% mortality sa mga baboy at ito ang nagdulot ng matinding epekto sa hog-raising industry ng Pilipinas.
Sa report ng DA, bumaba ang ASF incidence sa bansa ngayong buwan na nasa 98 positive samples na lamang kumpara sa 1,773 positive samples na naitala noong buwan ng Agsoto.
Sa ngayon, ang DA ay nakatuon sa pagtulong sa mga hog raisers na maparami ang kanilang mga alagang baboy.
Bukod sa USDA vaccine, sinisilip din ng DA ang dalawang produktong gawa ng mga Pilipinong imbentor na sinasabing kayang magpagaling ng mga baboy mula sa ASF.