ASF Virus, mabilis na namamatay kapag tag-init – ayon sa BAI

Natural na namamatay ang African Swine Fever Virus kapag mainit ang panahon.

Ito ang tugon ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa taya ng World Organization for animal health na quarter ng hog population sa mundo ang mamamatay dahil sa ASF.

Ayon kay BAI Director Ronnie Domingo, ang ASF Virus ay may maikling survival rate kapag tag-init.


Aniya, posibleng mangyari ang sinasabi ng International Organization sa mga malalawak na lupa, pero iba ang sitwasyon sa Pilipinas.

Ang ASF Virus ay kayang mag-survive sa dugo ng baboy sa loob ng isang buwan habang isang taon naman sa frozen meat.

Facebook Comments