ASG, BIFF – handang umanib sa Bangsamoro autonomous gov’t

Handang makiisa at umanib sa Bangsamoro autonomous government ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon kay Moro Islamic Liberation Front chairman Al-Haj Murad Ebrahim, nahati na sa tatlo ang BIFF at dalawa sa paksyon na ito ay pumayag nang makiisa sakaling maratipikahan ang Bangsamoro Organic Law o BOL.

Aniya, kahit sa ASG ay may nakikipag-usap na rin sa kanila.


Sabi pa ni Ebrahim, patuloy ang kanilang dayalogo sa iba pang grupo sa Mindanao para masolusyunan na rin ang matagal ng problema sa mga terorista sa rehiyon.

Facebook Comments