ASG member, arestado ng CIDG

Nadakip ng pinagsanib-pwersang CIDG Basilan at iba pang Philippine National Police (PNP) operating units ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Brgy. Malo-ong San Jose, Lamitan City, Basilan.

Kinilala ni CIDG Director PMGen. Romeo Caramat ang nahuling ASG member na si Gerry Mapula o kilala sa mga alyas na Abing/Kudri Pegging.

Ayon kay Caramat, naaresto si Abing sa bisa na rin ng search warrant na inisyu ng korte dahil sa paglabag nito sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law at RA 9516 o Illegal Possession of Explosives.


Nakuha sa pag iingat ng suspek ang
– One (1) unit of cal. 45 pistol Colt 1911;
– One (1) piece magazine for cal. 45 pistol;
– Six (6) pieces live ammo for cal. 45 pistol;
– One (1) pc hand grenade (MK2); and
– One (1) Steven’s Tactical Sling bag color black.

Nabatid na number 90 sa most wanted persons si Abing sa watchlist ng mga otoridad kung saan dawit ito sa ilang kidnapping incident sa Zamboanga.

Facebook Comments