ASG member, patay sa engkwentro sa Sulu

Patay ang isang hinihinalang Abu Sayyaf Group (ASG) member sa naganap na engkwentro kahapon sa Sulu.

Ayon kay Major General William Gonzales, 11th Infantry Division Commander ng Philippine Army, natagpuan ang katawan ng ASG member sa clearing operations matapos ang engkwentro sa pagitan ng Scout Rangers.

Naganap ang sagupaan sa pagitang ng mga sundalo at tinatayang 20 miyembro ng ASG sa ilalim nina sub-leader Mundi Sawadjaan at Ellam Nasirin, alas 12:20 ng tanghali kahapon sa Bud Daho, Barangay Lumping Pigi Daho sa munisipalidad ng Talipao.


Ilang residente aniya ang nagreport sa mga sundalo matapos mamataan ang presensya ng mga bandido sa lugar.

Facebook Comments