Tawi-Tawi – Patay ang isa sa sub-leader ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos manlaban sa mga awtoridad ng arestuhin ito sa kanyang hideout sa Bongao, Tawi-Tawi nitong nakalipas na araw ng Linggo.
Kinilala ang sub-leader na si Guro Idzri alyas Ka Idris na dating kasama sa grupo ni ASG lider Muamar Askali alyas Abu Rami.
Sa ulat ng militar, alas -7:10 ng umaga noong araw ng linggo nng isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa suspek sa kanyang hideout sa Sitio Suwang Kagang, Barangay Pasiagan, Bonga, Tawi-Tawi.
Pero sa halip sumuko, pinaputok niya ang kanyang kalibre 45 baril sa operating troops dahilan para magpaputok ang tropa ng pamahalaan na kanyang ikinamatay.
Naisugod pa sa Datu Halun Sakilan Memorial Hospital ang suspek pero idineklarang dead in arrival.
Si Idzri ay sangkot sa pamumugot ng ulo sa German National na si Jurgen Kantner noong November 5, 2016.
Sa impormasyon ng militar si Idzri ang nagsisilbing bagong lider ng ASG- kidnap for ransom group Cell sa lalawigan ng Tawi-Tawi.
Sa ngayon naghahanap ang grupo ng mabibiktma o possible kidnap victim sa isang construction site ng Diesel Power Plant sa Barangay Pahut, Bongao, Tawi-Tawi.