ASG sumuko sa militar

Sumuko sa mga sundalo ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Panglima Sugala, Tawi-Tawi.

Kinilala ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command Chief Lieutenant General Corleto Vinluan ang sumuko na si alyas “Bas”, 31 taong gulang.

Isinuko niya rin ang kanyang armas.


Sinabi naman ni Lieutenant Colonel Henry Espinosa, Commanding Officer ng Marine Battalion Landing Team-12 na si alyas “Bas” ay sangkot sa kidnapping at nagsisilbing spotter ng Abu Sayyaf at kasama rin sa mga nangyaring armed confrontations sa pagitan ng militar sa Patikul, Sulu bago umalis sa grupo noong 2014.

Nagpahinga anIya ito sa kanilang grupo matapos ma-neutralize ang ilang matataas na lider.

Sa ngayon, sumasailalim na ito sa custodial debriefing.

Facebook Comments