Umabot na sa Iloilo at Guimaras ang abo na ibinubuga ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Kasunod ito ng nangyaring explosive eruption mula sa bulkan na itinaas na sa 3rd Alert.
Ayon sa DSWD, mahigit 6,000 na mga mamamayan mula sa Region VI at Region VII ang naapektuhan nito at nagpamahagi na rin naman sila ng tulong doon.
Dagdag pa riyan, nakipagtutulungan na ang DSWD sa lokal na pamahalaan para bantayan ang mga evacuee at pamunuan ang disaster response operations.
Mismong binisita ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang Negros Occidental upang tingnan ang sitwasyon matapos ang pagsabog ng bulkan.
Facebook Comments