Ash Wednesday Mass, isinagawa sa Pasay City Hall

24

Nagsagawa ng banal na misa sa Pasay City Hall kaninang umaga.

Ito ay bilang pagobserba ng mga katoliko ng Ash Wednesday.


Ang misa ay pinamunuan ni Fr. Reynante Balilo na dinaluhan ni Mayor Emi Calixto-Rubiano, mga opisyal at kawani ng Pasay City Hall.

Ayon kay Mayor Emi, “Dapat na mapanatili at maging matibay ang pananalig sa Panginoon na nagpapalaganap ng pag-ibig. Dapat aniyang pagnilay-nilayan ang buhay at pagkamatay ng Panginoong Hesu Kristo sa krus.”

Ito aniya ay magsisilbing gabay ng mga tao para lalong maging masunurin.

Para naman aniya sa mga opisyal at kawani ng Pasay City Hall, sinabi ni Mayor Rubiano na palagi sanang magkaisa at magtulungan, at palaganapin ang pagmamahalan hanggang sa lahat ng sulok ng Pasay City.

Facebook Comments