Matapos ang 2 taon ay ibabalik na ng simbahang Katolika ang Ash Wednesday o ang paglalagay ng abo na hugis krus sa mga noo.
Ito ay matapos naglabas ng mga alintuntunin ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pagbabalik ng naturang tradisyon na siyang hudyat ng pagsisimula ng Kuwaresma.
Sa naturang guidelines, mananatiling option pa rin ang pagpahid ng abo sa bunbunan katulad ng ginawa noong nakaraang taon.
Hindi rin inirerekomenda ang paggamit ng carosas o andas kaya inabisuhan ng CBCP ang paglagay na lamang ng imahen sa mga motor vehicles.
Maaari na ring magdaraos ng tradisyunal na Pabasa ngunit dapat tumalima pa rin sa umiiral na health protocols.
Facebook Comments