Papasok na sa susunod na linggo ang mga Katoliko sa panahon ng Kwaresma.
Gaganapin na sa March 6 ang “Ash Wednesday” o “Miyerkules ng Abo” kung saan hudyat ito ng pagsisimula ng 40 araw ng pag-aayuno, penitensya at alms-giving hanggang sa Pasko ng pagkabuhay.
Ayon kay Catholic Bishops Conference of the Phippines (CBCP) President at Davao Archbishop Romulo Valles – ang paglalagay ng abo sa noo ay pag-alala sa mga taong magbalik-loob sa Diyos.
Ang ‘Ash Wednesday’ ay biyaya ng pagpapatawad at habag ng Diyos.
Dapat aniyang samantalahin ang mga biyayang kaloob ng Kuwaresma upang maging handa sa masayang panahon ng Pasko ng pagkabuhay.
Ang mga abong gagamitin ay mula sa mga lumang palaspas na sinunog sa pamamagitan ng “sunog sala”
Facebook Comments