Sports – Inabswelto ng Court of Tax Appeals ang tinaguriang “The Rock” ng PBA na si Asi Taulava.
Ito’y sa kabila ng kinakaharap nitong P9.55 million na tax evasion case na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong 2013.
Lumalabas kasi na nagkaroon ng pagkukulang ang bir matapos na hindi nabigyan ng anumang sulat o “notice” si Taulava hinggil sa kaniyang problema sa tax kaya’t hindi kaagad ito naasikaso ng fil-tongan player.
Dahil dito, nasilip ng korte ang pagkakamali ng bir na siyang naging dahilan para tuluyan na siyang mapawalang sala.
Facebook Comments