Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction 2024 sa PICC sa Pasay City, pormal nang sinimulan

Pormal nang sinimulan ang Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction 2024 sa PICC sa Pasay City.

Pinangunahan nina Defense Sec. Gilbert Teodoro, Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Maria Antonia Yulo-Loyzaga at Presidential Communications Office (PCO) Senior Undersecretary for Digital Media Services Emerald Ridao ang ceremonial toast bilang hudyat sa pagsisimula ng APMCDRR 2024.

Ang aktibidad na magtatagal hanggang October 18 ay may layong maisakatuparan ang 5-year Sendai framework o pagpapalakas ng kooperasyon sa mga Asian states sa disaster risk challenges na kinakaharap ngayon ng mundo kasama ang climate change at kung paano ito maaksyunan.


Bukas bubuksan ang plenary conference na puntiryang makakabuo ng mga plano sa paghahabap ng practical solutions sa pagpondo sa mga programa sa Disaster Risk Reduction.

Gayundin ang mga pamamaraan upang ang mga measures sa disaster risk reduction ay walang maiiwan na bansa sa Asia Pacific region.

Ayon kay DENR Sec. Maria Antonia Yulo-Loyzaga, dahil sa COVID pandemic, nabuksan ang kamalayan ng lahat sa pangangailangang paghandaan ang iba ibang panganib ng sakuna at kalamidad.

Facebook Comments