ASIAN CUP | Mga Japanese triathlete, wagi sa Mt. Mayon ASTC Triathlon Asian Cup

Kinuha nina Japanese Kumpei Furuya at Yurie Kato ang korona sa men’s at women’s divisions ng Mt. Mayon ASTC Triathlon Asian Cup kahapon sa Legazpi City, Albay.

Nakuha ni Furuya ang titulo sa men’s elite division sa isang oras, 49 minutes at 11 seconds.

Pumangalawa si Oscar Coggins ng HK 43 segundo sa likuran ni Furuya.


Nagreyna naman si Kato sa kaniyang 2 hours, 5 minutes at 22 seconds. Pumangalawa si Long Hoi ng Macau habang pangatlo si Nine Kishimoto ng Japan.

Best placed Pinoys naman si John Chicano at Claire Adorna.

Facebook Comments