ASIAN GAMES | 2 Pinoy jins, bigong makausad sa last eight ng Taekwondo sa Indonesia

Hindi pinalad sina Samuel Morrison at Francis Aaron Agojo na makausad sa medal round ng kanilang mga bracket sa taekwondo competitions ng 2018 Jakarta-Palembang Asian Games sa Indonesia.

Natalo si Morrison kay Lee Hwajun ng South Korea, 27-18 sa 80 kilograms quarterfinals. Naunang nanalo si Morrison kay Farkhod Negmatov ng Tajikistan, 19-17 sa last 16.

Hindi rin pinalad si Agojo na yumuko naman kay Mishashem Hosseini ng Iran, 24-2.


Umabante sa last 16 si Agojo matapos talunin si Ahmed Dghbas ng Qatar, 41-28 sa 63-kilogram round of 32z

Dahil dito nanatiling si Pauline Lopez pa lang ang taekwondo jin na nakakakuha ng medalya sa Asiad.

Kahapon nakakuha ng bronze medal si Lopez sa 57 kilogram division.

Facebook Comments