Magbibigay ng isang milyong piso ang Siklab Atleta Pilipinas Sports Foundation sa sinumang atletang Pinoy na makakapag-uwi ng gintong medalya mula sa 2018 Asian Games sa Jakarta at Palembang, Indonesia.
Bukod sa gintong medalya, makakatanggap ng P500,000 ang silver medalist at P250,000 naman para sa makakapag-uwi ng tansong medalya.
Dahil sa ibibigay ng Siklab Atleta, aabot na sa limang milyong piso ang pabuyang naghihintay sa mga magkakampeon sa Asiad.
Nauna na kasi ang P2M na cash incentive mula sa Philippine Sports Commission base na rin sa batas.
Nangako rin ng P2-M na bonus ang Philippine Olympic Committee para sa gold medal winner.
Facebook Comments