ASIAN GAMES | Coach Guaio, inako ang pagkatalo sa Korea

Indonesia – Inako ni Philippine National Team Coach Yeng Guiao ang pagkatalo ng koponan sa South Korea sa score na 91-82 sa quarter finals ng 2018 Asian Games Basketball Tournament.

Ayon kay Guiao, hindi sila naging kumportable sa zone at maging si Jordan Clarkson ay nagkaroon rin ng problema dito.

Sa kabila ng pagkatalo tiniyak ni Guiao na magagawa ng Pilipinas na magtapos sa 5th spot ng kumpetisyon.


Facebook Comments