ASIAN GAMES | Coach Guiao, naniniwalang pangungunahan ni Clarkson ang national team para makuha ang panalo kontra China

Indonesia – Kumpiyansa si coach Yeng Guiao na pangungunahan ni Fil-Am Jordan Clarkson ang national team sa magiging laban nila mamaya kontra sa Powerhouse Team na China.

Ayon kay Guiao, inaasahan niyang mangingibabaw sa laro ang nakakabilib na liksi at bilis ni Clarkson.

Sabi ni coach Yeng, wala daw katulad si Clarkson sa mga players sa alinmang team ngayon sa Asiad dahil iba ang kalibre nito pagdating sa basketball.


Inaasahan niya na ibang lebel na abilidad at karanasan ang ipapakita nito kasama ang kapwa niya Pinoy.

Mamayang alas-5:00 ng hapon, oras sa Pilipinas, mapapanood ang debut game ni Clarkson sa Asian Games kung saan gaganapin ito sa Gelora Bung Karno Basketball Hall sa Indonesian Capital sa Jakarta.

Facebook Comments