ASIAN GAMES | Divine Wally bigo sa semis, bronze medal nakuha para sa team Pilipinas

Indonesia – Nabigo si Divine Wally na makapasok sa finals matapos maungusan ng kalaban sa last four ng Sanda sa Wushu competitions ng 2018 Jakarta-Palembang Asian Games sa Indonesia.

Natalo ang 5 footer na si Wally sa kalaban niyang Iranian at 5’6” na si Elaheh Mansuryan Samiroumi, 2-1 para makuntento sa medalyang tanso.

Ito ang ikalimang bronze medal ng Pilipinas sa kompetisyon. May isang ginto rin ang Team Pilipinas dahil sa panalo ni Hidilyn Diaz sa weightlifting noong Martes.


Nagtapos naman sa ika-labing tatlong posisyon si Jeffrey Garcia sa 69 kilogram division ng men’s weightlifting sa buhat niya na 280 kilos.

Nakuha ni Kang Chol O ng North Korea ang ginto sa buhat nito na 336 kilos.

Facebook Comments