ASIAN GAMES | Fil-Am Jordan Clarkson, magiging flag bearer ng bansa

Manila, Philippines- Ikinatuwa ng Pinoy basketball fans ang naging desisyon ng NBA na payagan si Fil-Am Guard Jordan Clarkson na maglaro sa 2018 Asian Games.

Ayon kay Chef-De-Mission Richard Gomez, cleared na rin daw si Clarkson sa Indonesian Asian Games Organizing Committee (INASGOC) at sa Olympic Council of Asia kung saan siya ang magsisilbing flag bearer ng delegasyon ng bansa sa opening ceremony ng Asiad.

Sa ngayon, inaayos na lang daw ang lahat ng papel para makalipad na si Clarkson patungong Indonesian capital na jakarta upang makahabol sa practice ng Philippine Men’s Basketball Team.


Unang makakaharap ng Pilipinas ang Kazakhstan sa darating na Huwebes, Agosto 16 na debut game ng men’s basketball tournament.

Facebook Comments