ASIAN GAMES | Gilas Pilipinas, malaki ang tiyansang matalo ang China

Indonesia – Inihayag ni National Team Head Coach Yeng Guiao na lumakas ng bahagya ang kanilang tiyansa upang talunin ang powerhouse team na China sa ikalawang laro ng mga Pinoy sa araw ng Martes, August 21 sa Asian Games.

Ayon kay Guiao, ang mahalaga ay ang tiyansa ng Pilipinas na masilat ang China lalo na at may reinforcement sila sa pamamagitan ni Jordan Clarkson.

Kabilang sa mga diskarte ng Gilas ay mapanatiling dikitan ang laban.


Target din nila na magaya ang matinding depensa na ginawa nila sa national team ng Kazakhstan na kanilang tinambakan noong Huwebes.

Bagamat pasok na sa quarterfinals, misyon ng Pilipinas na talunin ang China para makaiwas kaagad sa next round sa defending champion na South Korea.

Facebook Comments