ASIAN GAMES | Gilas Pilipinas, may game plan na kontra sa South Korea

Agad na sasabak sa ensayo bukas ang Gilas Pilipinas para paghandaan ang sunod nitong laban sa Asian Games.

Ayon kay National Team Head Coach Yeng Guiao – magpapatupad sila ng panibagong game plan kontra sa defending champion South Korea.

Bago pa man ang quaterfinals, pinag-aaralan na umano ng Gilas ang galaw ng team South Korea sa loob ng court.

Susubukan ng national team na mapigilan ang magandang ball movement ng mga Koreano kung saan isa sa mahigpit nilang babantayan si 6-foot-8 former PBA Import Ricardo Raftliffe.

Maghaharap ang dalawang magkaribal na koponan sa gelora bung karno besketball hall sa August 27.

Facebook Comments