Walang Jordan Clarkson, walang problema para sa Gilas Pilipinas!
Hindi naramdaman ng Gilas Pilipinas ang hindi pag-abot ni Cleveland Cavaliers’ guard Jordan Clarkson sa opening game nila sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.
Tinambakan kasi ng mga Pinoy ang Kazakhstan, 96-59 para agad maselyuhan ang pag-usad ng Gilas Pilipinas sa quarterfinals ng basketball competitions ng Asiad.
Mula sa 10-2 na lamang sa opening minutes ng first quarter, rumatsada ang opensa ng Gilas Pilipinas para agad lumayo sa Kazakhstan.
Nag-click din ang depensa ng mga bata ni Coach Yeng Guiao para maiposte ang magandang simula ng Gilas sa torneo.
Susunod na makakaharap ng Pilipinas ang China para sa top seed ng group D.
Facebook Comments