Indonesia – Taliwas sa inaasahan, nabigo si Gymnast Carlos Yulo na makakuha ng medalya sa kaniyang favorite event sa pagpapatuloy ng 2018 Jakarta Palembang Asian Games sa Indonesia.
Nanguna si Yulo sa qualifying round sa floor exercise pero pagdating sa medal round umiskor lamang ito ng 13.500 points. Hindi kasi maganda ang landing nito sa kalagitnaan ng kaniyang routine.
Dahil dito nalasap ng Pilipinas ang unang araw nito sa Asiad na bokya sa anumang medalya.
May pag-asa pa na magka medal si Yulo sa pagsalang nito sa finals ng vault.
Facebook Comments