ASIAN GAMES | Hindi paglalaro ni Jordan Clarkson sa laban kontra Kazakhstan ayon lang kay coach Guiao

Walang problema para kay coach Yeng Guiao kahit pa hindi maglaro si Fil-Am Jordan Clarkson sa national team mamaya kontra Kazakhstan.

Ayon kay Guiao, makakapahinga ng husto si Clarkson kaya at mapaghahandaan daw nito ang laban kontra sa Powerhouse Team na China sa darating na Agosto 21.

Malaki naman daw ang tiwala ni coach Yeng sa iba pa niyang manlalaro pero hindi daw sila magpapakumpiyansa dahil malakas na koponan din daw ang Kazakhstan.


Magaganap ang laban ng Pilipinas at Kazakhstan mamayang alas-11:00 ng umaga oras sa Pilipinas.

Facebook Comments