ASIAN GAMES | Ikatlong Pinoy boxer, umusad sa semifinals ng boxing event

Indonesia – Pasok na sa semifinals ang ikatlong Pinoy boxer matapos nitong talunin ang nakalabang South Korea boxer sa 2018 Asian Games.

Tinalo ni Pinoy boxer Eumir Marcial si Kim Nijea via unianimous decision sa men’s middleweight division.

Dahil dito, sigurado nang makakakuha ng medal si Marcila kung saan naghahanda na siya para sa semifinals kasama sina Rogen Ladon sa flyweight division at Carlo Paalam para naman sa light flyweight division.


Samantala, tinalo ng China ang women’s volleyball team ng Pilipinas sa score na 25-15, 25-9 at 25-7 kaya at wala na silang pag-asa na makakuha ng medalya at lalalaban na lamang sila sa classification phase.

Facebook Comments