ASIAN GAMES | Karatekang Junnna Tsukii nakakuha ng medalyang tanso

Indonesia – May nadagdag na medalya sa Team Pilipinas sa pagpapatuloy ng 2018 Jakarta Palembang Asian Games sa Indonesia.

Tinalo kasi ni Fil-Japanese Junna Tsukii si Paweena Raksachart ng Thailand, 4-1, para makuha ang medalyang tanso sa 50kg division ng Women’s Kumite sa Karate competitions.

Dahil sa panalo, nakabawi si Tsukii kay Raksachart na tumalo sa kaniya sa nakaaang South East Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia noong nakaraang taon.


Nakakuha rin ng medalyang tanso si Cherry Mae Regalado sa Penca Silat.

Nasa ikalabing siyam na puwesto ang Pilipinas sa over-all team standings sa tatlong ginto at labing-dalawang medalyang tanso nito.

Facebook Comments