Jakarta – Nabigo na makuha ni Kiyomi Watanabe ang gintong medalya sa women’s 63-kilogram division ng judo competitions ng 2018 Jakarta Palembang Asian Games sa Indonesia.
Natalo kasi si Watanabe kay Asian champion Nami Nabekura ng Japan sa finals sa pamamagitan ng Ippon.
Pero kahit natalo makasaysayan pa rin ang ipinakita ng 22-anyos na judoka.
Ito kasi ang unang silver medal ng team Pilipinas sa 2018 Asiad.
Ito rin ang unang medalya ng Pilipinas sa judo matapos maging official event sa Asiad ang sport noong 1986.
Nakapasok sa finals si Watanabe matapos talunin sina Orapin Senatham ng Thailand sa quarterfinals.
Sa last 4 naman pinataob ng Fil-Japanese Judoka ang pambato ng Mongolia na si Ganchaich Bold.
Pangpito Lamang Si Watanabe Sa 2014 Incheon Asian Games Sa South korea.
May apat na ginto, isang pilak at 13 tansong medalya na sa ngayon ang Pilipinas sa Asian Games.